<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/3200524535728784150?origin\x3dhttp://allmywickedschemes.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Hi! I'm Erika. It's so nice of you to log on and visit my blog. May you be inspired with my thoughts and laugh at whatever is funny. Ahihi. Have fun reading my posts!!

Erika, 17, Thomasian, Filipino
+ follow | Tumblr | Twitter | Ask Me| Facebook

Friends:


recent update :
The College Life
written on Thursday, June 21, 2012 @ 5:58 PM ✈


Buti nga't nakahanap ako ng mga kaibigang kasing bruja ko. ANG LUNGKOT NG MAYNILA. Ironic, diba? Dito, kahit anung oras pa, laging may naglalako diyan sa daan. Laging may traffic. Lalo na kung umaga, 5am na, putukan na ng mga pito ng jeep. Nakakairita. Idagdag mo pa ang kwarto kong wala man lang kabintabinta na pwede mong maging hudyat na umaga na. GRRRR. Kahit alas 12 ng tanghali, nagmistulang alas 12 ng gabi. Kaya, kung may klase akong 7am, kahit sakto ang oras ng tulog ko, wala akong ganang bumangon dahil paniwala ko'y gabi pa. `Tas sa UST, taas ng istandards ng mga prof. Panay gusto nito, nito at ito. At alam mo ang deadline? NEXT WEEK. `Kala mo naman kung sinong makapaghingi ng responsibilidad. Hello?! 9 kaya kayong naghahati sa mga oras ko. `Tas panandalian niyo pang hihingin ang mga requirements niyo. MAAWA NAMAN KAYO. HUHUHUHUHUHU. Buti nga nama`y mababait sila. Pinapatawa ka nila. WAG NA WAG MO LANG GAGALITIN DAHIL BAKA MAMURA KA AT SASAKALIN. `Di, joke lang. Biro ko lang yung sasakalin. Hihihihi. Human Rights Violation na po iyon.

Kaya ikaw, kung gagradweyt ka na at plano mong magkolehiyo sa Maynila, pagisipan mong mabuti. Dahil hindi sapat ang "kagustuhan at reputasyon" para makapagtulak sayo na kakayanin mo. WHAT YOU NEED IS PASSION. (AND GUIDANCE) Ako, hindi ko lang gusto ang UST, pinangarap ko talaga na dito ako makapagtapos simula nung pagpaslit ko. Ngayon, meron akong mga pinagsisihan kung bakit pinili ko pa sa Maynila mag-aral. Pero, hindi yun kayang baliwalain ang aking goal na maging isang tapat na Tomasino!!! Echossss. Whew.


HAYAAN MO MUNA AKONG MAGDRAMA. K??

Labels:


0 comment[s] | back to top






© 2012 - Layout created by Afeeqah.
Do you know ? Honesty is the best policy in life